Mga Katangian ng Isang Responsableng User sa pagsulat sa Social Media


Ang Social Media ay naging parte na ng buhay ng karamihan sa buong mundo. Dito tayo nakikipag-usap sa iba't-ibang tao, kumukuha ng impormasyon, naglilibang at nagbabahagi ng ating mga ideya at ekspresyon. Sa pagdami ng mga gumagamit ng Social Media at pagbabad ng ibang tao sa mga sites o apps na ito, ang pinakalayunin ng Social Media ay unti-unti nang nawawala, ang makipagkonekta sa iba't-ibang tao, kalayaan ng pagbabahagi ng mga ideya at ekspresyon nang may maaliwalas na kapaligiran sa kadahilanang, nawawalan na ng disiplina at reponsibilidad ang bawat users ng bawat social media apps and sites sa paggamit nito. Kung patuloy ang pananatili ng hindi maayos at hindi maaliwalas na kapaligiran ng Social Media, hindi na magiging kapakakipakinabang at kawili-wili ang paggamit nito. Ikaw, naalala mo pa ba ang mga panahon ng maaliwalas na kapaligiran ng Social Media? Gusto mo ba itong maibalik?, kung gayon ito ay nararapat mag-umpisa sa bawat isang user na katulad mo at ito ang mga katangian ng isang responsableng user sa larangan ng pagsulat sa Social Media.


"Mga Katangian ng isang responsableng user

sa larangan ng pagsulat sa Social Media"



1. Pinagiisipan ang bawat kilos.


Dito maaring mai-apply ang katagang "Think Before you Click" dahil ang lahat ng ating mga aktibidad sa Social Media apps o sites ay maaring maisapubliko o makita ng iyong mga kaibigan sa naturang websites o apps. Ang mga aktibidad na ito tulad ng pagshare, pagpost o pagforward o pagdirect message ay maaring makapagbigay ng mabuti sa iyong mga kaibigan o makasama, kung kaya nararapat na pagisipan ng bawat user ang kanilang mga kilos sa bawat Social Media apps o sites lalo na kung ang susubukang ilabas sa Social Media, ay patungkol sa mga isyu na may pagkasensitibo tulad ng kasarian, relihiyon at pulitka dahil ang mga kilos na isinasagawa sa Online World ay maaring sumalamin sa totoong mundo.




 

2. Hindi nagpapapakalat ng walang kabuluhan, hindi kaaya-aya at maling impormasyon.


Ang Social Media ay binubuo ng halos 4.48 billion na mga user at sa dami ng bilang sa bawat Social Media apps at sites, ang pagpasa ng impormasyon ay mabilis at ang pagpapakalat ng maling impormasyon, walang kabuluhan at hindi kaaya-ayang impormasyon ay mabilis din kumakalat sapagkat nakakayanan magawa ang isang aktibidad sa Social Media ng hindi aabutin ng minuto o segundo at nagagawa ito sa simpleng pagpindot lamang ng screen, keyboard o kahit gamit ang boses. Kung kaya dapat ang ibabahaging impormasyon, ay may katotohanan at nanggaling sa mga totoo at mapagkakatiwalaang sources upang hindi maging pasimuno ng pagpapakalat ng maling impormasyon.

3. Reporter


Sa Social Media ay may normal na feature na report button kung saan maari mong ireport ang isang post at karamihan sa mga Social Media users ay hindi ito binibigyang pansin dahil hindi naman daw ito nakikita ng mga nagtratrabaho sa mga Social Media companies ngunit ang katotohanan, Ito ay kanilang nakikita at nerereview isa-isa. Sa paggamit ng report sa mga posts, comments and messages, nagkakaroon ng kaalaman ang mga Social Media companies patungkol sa inyong hinaing at kung ano ang problema dito tulad kung nakalabag ito sa rules and regulations ng isang Social Media site or apps. Kahit hindi ito isa sa pinakamahalaga pagdating sa larangan ng pagsulat sa Social Media, isa parin sa mga tungkulin ng isang user at isayos ang kapaligiran ng isang Social Media sa pamamagitan ng isang pagreport upang maging mas maayos ang mundo ng Social Media

4. Huwag magpadala palagi sa emosyon sapagsusulat sa Social Media.

                                                                https://www.sourcecon.com/wp-content/uploads/sites/3/2019/04/jt9-700x467.jpg


Sa pagsusulat sa Social Media, ang mga nagpapapadala sa emosyon ang nagpapasimula ng away at hindi pagkakaintindihan. Kung kaya, kung ikaw ay nagsusulat sa Social Media ng komento, post o kahit simpleng message ay subukang hindi ipadala palagi ang iyong emosyon upang magkaroon ng maayos na maisusulat at pagkakaroon ng pagkakaintindihan. Kung ikaw naman ay may nakakausap na ipinapadala ang emosyon sa kanilang isinusulat sa Social Media tulad ng galit, subukang kausapin ng may pagkaobhetibo at may pagkamahinahon upang magkaroon ng maayos na isasagot sa isang komento, post o message.




Comments